Milyones na OSP fund ng IAS personnel, nasaan?

LUMALAKI ang sunog sa tanggapan ni Atty. Alfegar Triam­bulo, ang Inspector General ng Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police na kinasuhan kamakailan ng emple­yada niya ng sexual harrassment. Sa ngayon kasi, hina­hanap na ng mga empleyado ng IAS ang kanilang tina­tawag na Occupational Specialty Pay (OSP) para sa 2018 at 2019. Dapat kasi tuwing 1st semester ng kada taon nakukuha ng IAS employees ang kanilang OSP na milyones din sa kabuuan. Sa ilalim kasi ng R.A. 8551 o Philippine National Police (PNP) Reform and Reorganization Act of 1998, ang mga IAS personnel ay entitled sa OSP na katumbas sa 50 percent ng kanilang base pay.

Tinatanong ni Rodolfo Yogyog, Finance Service ng PNP, at ang DBM kung saan napunta ang pondo ng OSP. Si Yogyog ay dating empleyado ng IAS at nalungkot siya na hindi napa­­kina­bangan ng kanyang comrade sa field ang naturang grasya. Nag-avail ng optional retirement si Yogyog para samahan ang kanyang pamilya sa Canada subalit iniisip pa rin niya ang kapakanan ng kan­yang dating ka-trabaho. Mismooooo! Kung sabagay, hindi makapagreklamo ang active IAS employees patungkol sa OSP, dahil sa takot na ma-transfer sila sa malalayong lugar sa Pinas. Di ba Col. Felix Kabiling Sir? Hak hak hak! Ano kaya ang kasagutan ni Triambulo rito sa milyones na missing OSP fund? Dipugaaaaa! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Dapat paimbestigahan ni PNP chief Gen. Jun Azurin ang missing OSP fund dahil pera ng gobyerno ito. Tiyak may alam si Azurin dito dahil dati naman siyang hepe ng Directorate for Comptrollership. Kung nakaligtaan ni Azurin ang dokumento ukol sa OSP, abaaaa puwede naman niyang utusan ang kanyang buddy na si Maj. Gen. Jess Cambay, ang kasalukuyang Comptroller chief, para hanapin ang OSP missing fund. Eh di wow!

Kaya hindi lang dapat ang kaganapan sa pag-file ng sexual harrassment ng complainant na si Genevieve Lipura ang isyu na i-raise ni Azurin sa pag-uusap nila ni Triambulo kundi maging ang missing OSP fund din, di ba mga kosa? Ang IAS mga kosa ay inatasan na imbestigahan ang pagmamalabis ng PNP personnel. Eh paano kung si Triambulo na mismo ang subject ng complaint, iimbestigahan pa ba ito ng IAS? Tanong lang po! Hak hak hak! Walang aasahang tibay ang IAS employees kay Azurin dahil “iwas-pusoy” sa probema, di ba Sen. Bato dela Rosa Sir? Dipugaaaaa!

Para idepensa ang sarili niya, nagpaikot naman ng manifesto si Triambulo sa mga opisina ng iAS nationwide kung saan nakasaad na ang IAS ay na-transform “leaps and bounds for the better’ sa liderato n’ya. “We also deplore the unethical actions of individuals and professionals, most especially those bounds by codes of ethics and professional responsibility, who have utilized improper fora, hurled baseless accusations, twisted narratives, and sensationalized stories,” anang manifesto. Ikinalat ang manifesto noong Lunes subalit hindi idinaan sa mga “kalaban” ni Triambulo at ang nagpapirma ay nakatutok sa tao para hindi ma-xerox ito, anang kosa ko. Hak hak hak! Gumaganda ang istorya sa IAS ah. Eh di wow! Abangan!

Show comments