^

Punto Mo

Tinedyer sa U.S. na may pinakamalaking bunganga sa mundo noong 2020, lalong lumaki ngayong 2022!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG teenager sa Minnesota ang tumalo sa sarili niyang Guinness World Record nang madagdagan ang laki ng kanyang bunganga ngayong 2022!

Taong 2019 unang nasungkit ni Isaac Johnson ang Guinness World title na “Largst Mouth Gape (male)” dahil sa sukat ng kanyang bunganga na 3.67 inches. Mabilis nawala kay Johnson ang titulong ito nang talunin siya ni Philip Angus na ang sukat ng bunganga ay 3.75 inches.

Nabawi ni Johnson ang Guinness title noong 2020 nang lumaki pa lalo ang kanyang bunganga sa sukat na 4 inches. Upang hindi na makuha pa ng iba ang titulong pinakamalaking bunganga sa buong mundo, nagpaunlak na maging panauhin si Johnson sa Italian TV show na Lo Show Dei Record at doon muling sinukat ang kanyang bunganga para talunin ang sarili niyang record.

Sa muling pagsukat sa bunganga ni Johnson, napag-alaman na mas lalo pa itong lumaki at may sukat na itong 4.014 inches.

Sa sobrang laki ng bunga­nga ni Johnson, kaya niyang kagatin nang walang kahirap-hirap ang apat na pinagpatung-patong na cheeseburger. Dahil sa talentong ito ni Johnson, marami na siyang followers sa TikTok kung saan may 74 million views na ang kanyang videos.

MOUTH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with