^

Punto Mo

EDITORYAL - Pantay na sahod ng nurses ipatupad

Pang-masa
EDITORYAL - Pantay na sahod ng nurses ipatupad

MASYADONG maliit ang sahod ng nurses sa pribadong ospital kaya naman marami sa kanila ang nangingibang bansa at doon nagtatrabaho. Malaki ang suweldo ng nurses sa ibang bansa. Noong nakaraang buwan, maraming nurses ang nagtungo sa U.K., Saudi, Kuwait at iba pang bansa sa Middle East. Dahil sa exodus ng Pinoy nurses, nangangamba ang pamahalaan na maubusan ng nurses ang mga private hospitals.

May katwiran namang mag-resign ang mga nasa pribadong ospital dahil sa napakaliit nilang suweldo. Ayon sa report, may mga nurses sa private hospitals na sumasahod lamang ng P8,000. Sobra-sobra pa umano sa oras ng duty ang mga nurses at hindi binabayaran ng overtime. Napakaliit ng sahod nila kumpara sa sinasahod ng nurses sa public hospital na sumasahod ng P33,000 hanggang P40,000.

Ang hindi pagkakapareho ng sahod ng mga nurses sa pribado at publikong ospital ay pinansin ni President Ferdinand Marcos Jr. at nangako siya na magiging parehas na ito. Nagsalita si Marcos sa 100th anniversary celebration ng Philippine Nurses Association (PNA) sa Manila Hotel noong nakaraang Huwebes. Pinuri pa niya ang mga nurses dahil sa dedikasyon ng mga ito sa trabaho lalo nitong pandemya.

Hindi lamang ang problema sa sahod ang ­inirereklamo ng mga nurses at iba pang healthcare workers (HCWs) kundi pati ang atrasadong pagbibigay ng Special Risk Allowance (SRA). Noong nakaraang taon, sunud-sunod ang protestang isi­nagawa ng HCWs dahil hindi ipinagkakaloob ang kanilang SRA na umaabot sa P11 bilyon.

Ang pagkaatrasado ng pagbibigay ng SRA ang nagbunsod kay dating President Rodrigo Duterte na lagdaan ang Public Health Emergency Benefits and Allowances for Health Care Workers Act. Layunin ng batas na mabigyan nang tuluy-tuloy na benepisyo ang mga public at private health workers sa panahon ng COVID-19 at sa mga maaari pang mangyaring public health emergencies sa hinaharap.

Tuparin ang pangakong pagkakapantay ng sahod ng mga nurses. Ito ang paraan para mapigilan silang mangibang bansa. Huwag pabayaan ang mga nurses at iba pang HCWs sapagkat sila ang mga “bayani” ng pandemya.

vuukle comment

NURSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with