ISANG puzzle enthusiast sa China ang nakatanggap ng Guinness World Record title matapos niyang i-solve nang sabay-sabay ang tatlong rubik’s habang jinu-juggle ito!
Inanunsiyo kamakailan ng Guinness World Records na si Li Zhihao ang bagong nakapagtala ng record sa titulong “Fastest Time to solve three rotating puzzle cubes whilst juggling”. Naganap ang record attempt sa Xiamen, Fujian, China.
Natapos i-solve ni Li ang tatlong Rubik’s cube habang salit-salitan niyang inihahagis ang mga ito mula sa kanyang kamay at sinasalo ito nang paikot-ikot sa loob ng 3 minutes and 29.29 seconds.
Simula nang nagsimula ang mga record attempts sa titulong ito five years ago, ito ang unang pagkakataon na nagawa ito sa loob lamang ng three and a half minutes.
Hindi ito ang unang Guinness title ni Li. Sa mga nakaraang taon, nasungkit na niya ang mga world record titles na may kinalaman sa Rubik’s cube tulad ng: most rotating puzzle cubes solved whilst suspended upside down, 195; most rotating puzzle cubes solved using one hand while suspended upside down, 104; fastest time to solve a rotating puzzle cube by a team of two, 12.59 seconds; and fastest time to solve a rotating puzzle cube by a team of two under water, 18.93 seconds.