Nakagugulat na katotohanan tungkol sa pornography (Part 3)
• Sa North Korea at Iran, kamatayan ang parusa sa mahuhuling gumagawa o nagdi-distribute ng porn film.
• Ang average porn site visit ay tumatagal ng 6 minutes and 20 seconds.
• Sa bawat tatlong porn visitors, ang isa ay babae.
• Ang salitang “pornography” ay mula sa Greek words na porne (prostitute) at graphos (to write or to record). Sa madaling salita, ang ibig sabihin ng pornography ay “writing about prostitutes.”
• Ang first original English “prose pornography” na nalathala noon 1748 ay Fanny Hill a.k.a. Memories of a Woman of Pleasure. Itinuturing ang librong ito na “most prosecuted and banned books in history”.
• Ang salitang “pornography” ay unang nabasa sa Oxford English Dictionary noong 1857.
• Ang pinakamayamang porn star ay si Jenna Jameson. Kinilala siyang world’s most famous adult entertainment performer and “The Queen of Porn”. May mga anak na siya, 49 years old at kasalukuyang nasa wheelchair matapos gumaling sa misteryosong sakit.
• Ang sinaunang American film na hanggang ngayon ay may kopya pa ay may pamagat na A Grass Sandwich kung saan may vivid intercourse scene. Kinunan ang pelikula sa New Jersey noong 1915.
• Pagkatapos ng WWI, ang porn movies ay tinawag na “stag movies” na ipinapalabas lang sa men-only parties. (Itutuloy)
- Latest