1. Kapag nagsasawa na ang mga bata sa plain fried hotdog, haluan ito ng banana catsup at kaunting asukal habang ipiniprito. Ganito rin ang gawin sa Spam.
2. Huwag lagyan ng oil ang tubig na pagpapakuluan ng noodles. Mag-i-slide ang sauce at hindi didikit sa noodles kapag pinaghalo mo ito.
3. Isama sa paggigisa ang black pepper o anumang herbs upang lalong lumabas ang flavour.
4. Para hindi mapaluha, palamigin muna ang nabalatang sibuyas bago hiwain.
5. Kung may achuete kang isasahog sa lulutuin, isama ito sa paggigisa para hindi magkaroon ng “after taste” ang pagkain.
6. Iwasang diinan ang burger patty gamit ang siyanse kapag ito ay iniihaw o piniprito dahil lumalabas ang juice. Para hindi bumaluktot, lagyan ng hiwa ang gilid ng patty bago lutuin.
7. Timplahan ng mga sumusunod ang sukang sawsawan: chopped sili, sibuyas, pipino, bawang, patis, at asukal ayon sa inyong panlasa.
8. Mas malinamnam ang calderetang may gata.
9. Magdagdag ng suka, isang kutsarita per two cups of rice sa inyong sinaing para hindi agad mapanis.
10. Mas nabubuhay ang lasa ng tinolang manok kung buko juice ang gagamitin sa halip na tubig.
11. Mas malinamnam ang kape kung hahaluan ng Milo bukod sa coffee mate.
12. Kapag nagluluto ng dinuguan, isama sa paggigisa ang dugo at suka upang mawala ang lansa ng dugo. Mas masarap ang dinuguang may kahalong tomato sauce.
13. Mas malinamnam ang spaghetti sauce kung hahaluan ng liver spread.