Lalaki sa U.S. kinain ang 21 kilos na popcorn sa loob ng 8 minuto!

ISANG tinaguriang “professional eater” sa Indiana, U.S.A. ang nakapagtala ng bagong world record matapos niyang maubos ang 21 kilos na popcorn sa loob lamang ng walong minuto!

Kilala ang “professional eater” na si Joey Chestnut sa 15 beses na pagkapanalo niya sa Nathan’s Hot Dog Eating Contest sa New York. Ngayong 2022, kumasa siya sa hamon ng isang popcorn eating challenge na naganap sa Victory Field sa Indianapolis.

Sa loob ng eight minutes, nakaubos ng 21 kilos na popcorn si Chestnut at natalo niya ang previous record na 19 kilos noong 2021 sa Las Vegas.

Nang tanungin si Chestnut kung anong strategy niya, sinabi nito na ang kanyang kaliwang kamay ang tagadakot ng popcorn at tagapiga para magkasya ang maraming piraso sa kanyang bibig. Ang kanang kamay naman niya ang tagahawak ng bote ng tubig na panulak sa popcorn.

Ang popcorn eating challenge ang ika-50 beses na napanalunang eating challenge ni Chestnut.

 

Show comments