• Si William Dement, ang nagtatag ng Stanford University’s Sleep Research Center. Pagkaraan ng 50 taon pagsasaliksik kung bakit ang mga tao ay natutulog, isang simpleng kasagutan lang ang kanyang nabuo: Natutulog tayo dahil kailangan nating idaos ang nararamdamang antok.
• Kaya naaaksidente ang mga drayber na kulang sa tulog ay dahil nararanasan nila ang “microsleep” episode. Nawawalan sila ng malay habang nagmamaneho sa isang iglap o mga 30 seconds. Ang akala ay gising sila habang nasa microsleep episode.
• Ang fatal familial insomnia ay isang neurodegenerative disease na nagreresulta ng hindi makatulog ang pasyente. Nakakaranas muna sila na walang tulog sa loob ng 6 hanggang 9 na buwan. Kasunod nito ay pagkakaroon ng dementia, hanggang hindi na makausap at ang nakalulungkot ay tuluyan nang mamamatay ang pasyente.
• Ang amoy ng kape ay nakakabawas ng stress na dulot ng kakulangan sa tulog at nakaka-stress na sitwasyon.
• May kakaibang sleeping disorder na ang tawag ay Kleine–Levin syndrome. Ang pasyente ay nakakatulog ng diretsong ilang linggo na gigising lang para pumunta sa bathroom at kumain.