^

Punto Mo

Unggoy sa California zoo, nang-agaw ng cell phone at ginamit para tumawag sa 911!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGULAT ang mga pulis na rumesponde sa isang 911 call mula sa isang zoo sa California nang malaman nila na ang tumawag sa emergency hotline ay isang capuchin monkey!

Ayon sa Facebook post ng San Luis Obispo County Sheriff’s Office, nakatanggap ang 911 dispatchers ng tawag mula sa isang zoo. Mabilis na-disconnect ang tawag at hindi na sumagot nang sinubukan nila itong tawagan pabalik.

Rumesponde sila sa source ng tawag, ang wildlife sanctuary na Zoo to You sa Paso Robles, California. Pagdating nila sa lugar, wala ni isa sa mga nagtatrabaho roon ang nagsabing tuma­wag sila sa 911.

Nagtulong ang mga awtoridad at staff ng zoo upang imbes­tigahan kung saan nanggaling ang 911 call at natuklasan nila na ang capuchin monkey na si Route ang may kagagawan ng pagtawag.

Sa imbestigasyon ng sheriff’s office, nakuha ni Route ang cell phone ng isang staff na naiwan sa golf cart at napindot nito ang emergency call function.

Ayon sa mga tagapag-alaga ng mga capuchin monkey sa zoo, curious at mausisa ang mga unggoy na ito at mahilig silang magpipindot kapag may buton ang mga bagay na kanilang nahahawakan.

MONKEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with