^

Punto Mo

Kompanyang gumagawa ng potato chips, naglabas ng limited edition na washing machine para sa daliri!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KAMAKAILAN lang, inanunsiyo ng isang sikat na potato chips brand sa Japan ang pinakabago nilang produkto, ang washing machine para sa daliri!

Ayon sa spokeperson ng kompanya, isa sa madalas na problema matapos kumain ng potato chips ay ang oily at maruming daliri.

Dahil sa nararanasang pandemya sa buong mundo, hindi na hygienic na dilaan at sipsipin ang daliri pagkatapos kumain ng potato chips kaya naisipan ng Japanese company na gumawa ng finger cleaner na hugis mini washing machine.

Gumagana ang mini washing machine sa pamamagitan ng isang motion detector. Kapag na-detect ng mini washing machine ang daliri, mag-spray ito ng alcohol. Nagmumula ang alcohol sa isang refillable tank sa ilalim ng gadget. Hindi kailangang palitan ang battery ng mini washing machine dahil rechargeable ito gamit ang USB-C charging cord. May sukat na 15cm x 11cm ang mini washing machine kaya madali itong madala kahit saang lugar.

Naging viral sa Japanese social media websites ang tungkol sa mini washing machine at marami ang naging interesado na bilhin ito. Ngunit ayon sa potato chip brand, limited edition lamang ito at maaari lamang makuha sa pamamagitan ng raffle contest.

POTATO CHIPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with