• Delikado sa buntis na nasa ikaapat na buwan ang sexual position na siya ay nakadapa. Ang bigat ng fetus ay maaaring makaipit ng ugat sa tiyan ng ina na dinadaluyan ng dugo.
• Ang standing position ang isa sa pinakamahirap na sexual position dahil nangangailangan ito ng balanse at tibay ng legs para hindi matumba.
• Nakatagilid at magkaharap ang partners or side-by-side positions naman ang most relaxed positions. Mainam ito sa matatanda, sa buntis o sumailalim sa operasyon.
• Ayon sa ibang researchers, mas mabilis makabuntis sa missionary position kung saan magkakaroon ng deeper penetration at siguradong maidedeposito ang sperm sa bungad ng sinapupunan.
• Ang Kama Sutra, na naisulat sa pagitan ng 1st and 4th centuries A.D., ay naglalaman ng mga paglalarawan ng 64 sexual positions. Naniniwala ang author na si Vatsyayana, na may walong paraan ng pakikipagtalik kung saan bawat isa ay may walong iba’t ibang posisyon kaya ang total ay 64. Dagdag pa niya ang pagtatalik ay tinatawag na Divine Union.
• Noong Middle Ages, pinaniniwalaan na ang mga batang naipagbuntis sa “unnatural sex positions” ay magkakaroon ng birth defects. Para sa mga sinaunang tao, missionary position lang ang natural. Sa pagdaan ng panahon, napatunayan lang ng mga tao na walang katotohanan ang kanilang paniniwala.