^

Punto Mo

Ginang sa U.K. na nagparetoke sa beautician na nakita sa FB, nauwi sa pagkakaroon niya ng ‘lizard neck’!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG ginang sa UK ang nagparetoke ng kanyang “double chin” sa beautician na nahanap sa Facebook ang nagsisisi ngayon dahil lalong pumangit ang kanyang leeg na maihahambing sa leeg ng mga reptile.

Simula nang magpapayat mula sa isang diet regimen, napansin ni Jayne Bowman na naging loose ang kanyang balat lalo na sa leeg. Sa kagustuhan na maging firm muli ang balat, naghanap siya sa internet na makakatulong sa kanyang beauty problems.

Kaya nang malaman niya ang tungkol sa Fibroblast Plasma theraphy na inaalok ng isang beautician mula sa Facebook, agad siyang nagpa-schedule ng appointment.

Ang Fibroblast Plasma ay isang non-surgical procedure kung saan binabalik nito ang firmness ng balat. Sa tulong ng isang device, gumagamit ito ng high-frequency electric current para ma-regenerate ang skin.

Ayon sa 59 anyos na ginang, nagbayad siya ng 500 Sterling Pounds para sa procedure na naganap sa isang salon sa Hampshire, South East England. Ikinuwento nito na sobrang init sa balat ng procedure na ginawa sa kanya. Umuwi siya na may tuldok-tuldok na sugat at paso.

Lumipas ang ilang linggo, hindi naging firm ang kanyang kutis at hindi nawala ang mapupulang sugat at paso na maihahambing sa leeg ng reptiles.

Sa ngayon, nagtatago na ang beautician na sumira sa kutis ni Bowman. Upang hindi matulad ang iba sa masama niyang karanasan, gumawa ng petisyon si Bowman na humihiling ng mas mahigpit na regulasyon sa mga salon na nagbibigay ng mga beauty treatment at procedure.

LIZARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with