1. Kung gagamit ng olive oil sa pagluluto, gamitin ang regular olive oil at huwag ang extra-virgin olive oil. Mas mura ang regular olive oil at mas mataas ang smoke point nito kaysa extra-virgin. Kapag mababa ang smoke point, kaunting init lang ay umuusok na ito sa kawali at nagdudulot ito ng toxic fumes na masamang malanghap.
2. Kapag nakikipag-usap sa duling o banlag, tumingin ka sa bridge ng kanyang ilong para hindi ka maging uncomfortable. At para rin hindi siya magkaroon ng pakiramdam na tinititigan mo ang kanyang mata.
3. Kapag pinuna ka ng isang tao o grupo, gaano man ito kasakit sa iyong kalaooban, tanggapin mo nang matahimik ang sinabi nila. Just bite the bullet. Huwag agad mag-react. Huwag agad mangatwiran. Kapag hindi tayo sumasang-ayon sa sinasabi nang ating kausap, ang tendency ng ating utak na naka-assign sa logic ay sumara at nagiging bulag tayo sa katwiran. Kung tatahimik tayo, binibigyan natin ng tsansa magproseso ang ating utak na maging bukas sa katwiran.
4. Para hindi magkaroon ng bulate ang manok na hinahayaang gumala sa loob ng bakuran: Haluan ng apple cider vinegar ang kanilang inumin: Isang kutsara kada isang litrong tubig.
5. Gusto mong ‘sumasabog’ ang curry flavour sa iyong nilulutong ulam? Haluan ito ng kaunting red wine, vinegar at asukal, na ang dami ay depende sa inyong panlasa.