1. Huwag umpisahan ang isang pangungusap ng “Ho-nestly” or “In all honesty”. Lalo kang magmumukhang insincere at dishonest.
2. Kung nagta-travel at naka-check-in sa hotel: Ha-yaang nakabalik (inside out) ang lahat ng damit/underwear na naisuot na, para may palatandaan ka kung ano ang malinis at nagamit na.
3. Kung late ka, just say sorry. Kadalasan, wala silang pakialam kung ano ang dahilan ng iyong tardiness. Magpaliwanag lang kung may magtatanong.
4. Limang inumin na nakapagpapababa ng timbang: tubig, walang asukal na tsaa, skim milk, black coffee, vegetable juice.
5. Ang pagkain ng isang kutsarang peanut butter bago matulog ay nakakatulong para mag-burn ng calories habang natutulog.
6. Huwag nang magpumilit pumasok sa restaurant 20 minutes bago sila magsara. Lahat ng staff ay atat nang umuwi. Aani ka lang ng galit mula sa waiter hanggang cook. Gugustuhin mo bang ang mag-prepare ng kakainin mo ay cook na binitin mo sa pag-uwi?
7. Kapag pinagbawalan kayo ng teacher na gumamit ng Wikipedia bilang source ng inyong research, sa pahina pa rin ng Wikipedia kayo magpunta. Tingnan ang sources na nakalista sa ibabang bahagi. Ang mga sources na iyon ang inyong gamitin.
8. Kapag makikipagkuwentuhan sa love ones na nagsisimula nang magkaroon ng dementia, ang piliin mong topic ay alaala ng kanyang kabataan. Huwag ang kanyang present situation. Mas naaalala nila ang matagal nang nangyari.