SA kasagsagan ng heatwave sa Portland, Oregon may isang oak tree doon ang tila “sumabog” at naging dahilan para masira ang mga malapit na kable ng kuryente.
Ayon sa mga taga-Eastmoreland neighborhood, 200 years nang nakatayo ang oak tree. Healthy at naaalagaang mabuti ang puno ngunit nitong nakaraang pitong araw, nakaranas ang Portland ng mahigit 35 hanggang 40 degrees celcius na temperatura. Ito ang naging dahilan para masira ang sanga ng puno na may bigat na 13,000 kilos.
Sa panayam sa arbo-rist na sumuri sa puno na si Michael Jolliff, posible na nag-explode ang puno dahil sa matinding init. Bukod sa gas buildup, maaaring may thermal changes sa loob ng puno at sa wood tissues na naging sanhi ng pagsabog nito.
Walang nasaktan sa insidente at minimal lamang ang property damage na nagawa ng “exploding tree”.