Kompanya sa U.S. na gumagawa ng kutson, naghahanap ng ‘professional sleepers’ para matulog sa trabaho!
ISANG New York-based mattress company ang nagha-hanap ng “professional sleeper” na susuwelduhan nila para matulog at maging “sleeping influencer” sa social media.
Ayon sa website ng mattress company na Casper, naghahanap sila ngayon ng empleyado na kayang matulog sa kanilang mga outlet stores at may kakayahan na matulog nang mahimbing sa mga hindi pangkaraniwang lugar.
Ilan sa requirements na meron ang mga aplikante ay dapat matakaw ito sa tulog, tulog mantika na hindi basta-basta nagigising sa kaunting ingay at mabilis antukin.
Bukod sa pagtulog sa trabaho, isa sa responsibilidad ng professional sleeper ay dapat dokumentado sa mga videos ang bawat pagtulog at willing ito na i-post sa social media ang mga sleeping videos niya.
Hinihikayat ng Casper sa mga aplikante na ipakita sa TikTok ang talent sa pagtulog bilang bahagi ng kanilang “audition”.
Ang mga masuwerteng matatanggap sa trabaho ay papayagan na pumasok ng nakasuot ng pajama at makakatanggap ng mga produkto ng kompanya.
- Latest