^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga karag-karag na sasakyan, ibawal na

Pang-masa
EDITORYAL - Mga karag-karag na sasakyan, ibawal na

MARAMING sasakyan na kakarag-karag at dispa­linghado ang preno pero hinahayaan pa ring yumaot sa kalsada. Ang mga ganitong sasakyan ang banta sa kaligtasan ng mga kapwa motorista at pasahero. Ang mga bulok na sasakyang ito ang dahilan nang malalagim na aksidente kaya hindi na dapat hinahayaang yumaot o bumiyahe pa.

Isang malagim na namang aksidente ang naganap noong Lunes ng umaga sa Bgy. Aga, Nasugbo, Ba­tangas. Walo ang namatay nang banggain at kaladkarin ng kakarag-karag na dump truck ang isang Mitsubishi Xpander. Ang dump truck na may kargang buhangin ay galing umano sa Pampanga. Nag-overtake ang truck sa isang sasakyan habang palusong at nawalan ng preno. Binangga ang kasalubong na SUV. Sa lakas ng impact kinaladkad ang SUV at nadamay pa ang isang motorcycle rider. Pagkatapos banggain ang SUV at motorsiklo, binangga pa ang isang food stall sa gilid ng highway.

Patay lahat ang buong pamilya na sakay ng SUV at pati ang motorcycle rider. Galing sa reunion ang pamilya nang maganap ang trahedya. Sabi ng driver ng dump truck, nawalan ng preno ang kanyang truck at hindi na naiwasan ang SUV. Humingi siya ng tawad. Aksidente raw ang nangyari.

Halos ganito rin ang sinabi ng drayber ng isang lumang truck na may kargang bakal makaraang bumangga sa isang school bus. Sorry daw. Aksidente raw ang nangyari. Walang namatay pero maraming estudyante ang nasugatan. Nangyari ang aksidente sa Mindanao Avenue, Quezon City noong 2016.

Hindi lamang mga lumang truck ang nasasangkot sa malagim na aksidente kundi pati mga lumang bus na ipinapasada pa at pinagkakakitaan ng mga ­may-ari kahit dispalinghado ang preno.

Noong Pebrero 2017, bumangga ang Panda Tours bus na inarkila ng Best Link College of the Philippines para sa camping tour sa Tanay, Rizal na ikinamatay ng 15 estudyante at ikinasugat ng 30 iba pa. Bumangga ang bus sa poste ng kuryente at barriers hanggang nawalan ng preno sa palusong at kurbadang bahagi ng kalsada. Sa lakas ng impact, natanggal ang bubong ng bus. Ayon sa mga nakaligtas na estudyante, mayroon na silang naamoy na gomang nasusunog pero hindi raw ito pinapansin ng driver. Lumalabas na may deperensiya ang bus pero ibiniyahe pa rin.

Ang mga nangyaring trahedya ay mauulit kung hindi maghihigpit ang Land Transporation Office (LTO) at maging ang Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Huwag nang irehistro ang mga lumang truck at bus upang maiwasan ang malagim na trahedya.

CAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with