^

Punto Mo

EDITORYAL - Panganib sa paggamit ng vape

Pang-masa
EDITORYAL - Panganib sa paggamit ng vape

NAGING batas na ang Vaporized Nicotine and Non Nicotine Products Regulation Act (Senate Bill No. 2239) makaraang hindi i-veto ni President Marcos Jr. Sa nangyari, malaya nang makagagamit ang sinuman ng vape, pati ang mga kabataan. Wala naman itong ipinagkaiba sa sigarilyo. Pinaganda lang ang itsura pero ang pagsira sa katawan dahil sa pagkakasakit ay halos nagkakapareho o matindi pa.

Maraming na-shock makaraang maging batas ang Vape Bill. Unang-una nang nagimbal ang mga doctor, health advocates at mga guro. Dapat hindi hinayaang mag-lapse ang Vape Bill.

Masasabing kasalanan ni dating President Duterte kung bakit naging batas ang Vape Bill. Hinayaan lang niya ito makaraang ipasa ng Senado noong Disyembre 2021. Siya pa naman ang inaasahang magbi-veto sa Vape Bill pero wala siyang ginawa. Naniniwala pa naman ang marami na ibabasura niya ang panukala dahil galit siya sa mga naninigarilyo.

Nang ipasa ang Vape Bill, maraming health advocates­ ang nangamba. Sinabi ng mga doktor na tulad ng siga­rilyo, mapanganib ang paggamit ng vape dahil nagko-cause ito ng lung cancer. Ayon sa mga pag-aaral, ang vape ay may sangkap na chemicals na gaya ng nicotine, propylene glycol, carbonyls at carbon monoxide na nagiging dahilan para ma-addict ang gumagamit.

Mariing sinabi ng Department of Health (DOH) na ang pagkakapasa ng Vape Bill ay kumokontra sa pinu-promote ng pamahalaan na mapangalagaan ang kalusugan ng publiko. Ayon sa DOH, nagtagumpay na anila ang bansa sa pagkontrol sa tabako pero nagkakandarapa naman para isulong ang paggamit ng vape.

Ang masama sa panukalang batas, binabaan ang edad ng mga kabataan na makabibili at makagagamit ng vape. Mula 21-anyos, ginawang 18-anyos ang puwedeng bumili. Ang hakbang ay malinaw na paghikayat sa mga kabataan na magbisyo sa halip na turuan na umiwas dito.

Sa kabila na may nabiktima na ang vape noong 2018, ipinasa pa rin. Isang 16-anyos na babae sa Visayas ang nagkasakit sa baga makaraang makalanghap ng second hand smoke mula sa vape. Ayon sa report, nalanghap ito ng babae sa mga kasama sa bahay na gumagamit ng vape.

Sabi ng sikat na pulmonologist at anti-tobacco advocate Dr. Maricar Limpin, ipagpapatuloy nila ang kampanya laban sa Vape Bill. Magtutungo umano sila sa Supreme Court para ituloy ang laban. Ito ang nararapat gawin. Magkaisa sa pagdadala sa Korte Suprema.

VAPE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with