• Kung paiiralin mo ang takot sa sasabihin ng ibang tao kaya hindi ka makakilos nang malaya; ay maihahalintulad sa bilangguang walang rehas pero hindi ka makalabas.
• Ang mga taong regular na bumabangon ng 7 a.m. ay malaki ang tsansang maging mas masaya at mas slim ang pangangatawan.
• Ang kausap mong nagsisinungaling ay tumitingin sa kanyang left side.
• Ang ating ilong ay konektado sa memory center ng utak kaya ang amoy ay nagbubunsod upang maalaala natin ang nakaraan.
• Kapag ang dating magkarelasyon ay nanatiling magkaibigan kahit matagal nang hiwalay, alin sa dalawa ang dahilan: still in love pa rin sila sa isa’t isa or kahit kailan hindi sila nagmahalan as lovers.
• Hayaan mong mapagod at manigas sila sa kapupuna ng iyong pagkatao. Wala kang dapat ipaliwanag sa kanila. Hindi lahat ng tao ay karapat-dapat na kilalanin ang tunay mong pagkatao. At saka ang mga inggitero ay bulag sa katotohanan. Paniniwalaan lang niya ang gusto niyang paniwalaan.
• May positive effect ang pagtawag sa iyo ng “baby”. Nagdudulot ito ng instant stress relief.
• Ang babaing hindi natatakot na mag-first move ang madalas makakuha ng lalaking iniibig niya.
• Matured na ang relasyon ninyo kung ang away ninyo kahapon ay walang epekto sa komunikasyon ninyo ngayon.