• Para makagawa ng creamy omelette, haluan ng sour cream or cream cheese ang itlog bago batihin.
• Payo ng dentista, kapag nagsesepilyo, iluwa lang ang toothpaste pero huwag magmumumog ng tubig. Hayaang naroon pa rin ang toothpaste sa iyong mga ngipin upang ang fluoride ay nagpapatuloy pa rin sa pagtatrabaho sa loob ng iyong bibig.
• Kapag maglalagay ng toothpaste sa sepilyo, ibaon ito sa bristle sa tulong ng iyong daliri upang makaseguro na pupunta ito sa ngipin at hindi sa lababo.
• Paano papuputiin ang naninilaw na white clothes at bed sheets na naiwan nang matagal sa aparador : Maglagay ng maligamgam na tubig sa batya at tunawin ang isang tasang magaspang na asin na walang halong iodine. Dito ibabad ang damit. Pagkaraan ng isang oras, labhan nang manual o sa washing machine.
• Mainam na pampakintab ng dahon ng halaman ang mayonnaise. Ito ang ipahid sa halaman na pangdispley sa loob ng bahay. Tatagal ang kintab hanggang isang linggo.
• Gamiting pin cushion ang kandila. Mas madulas gamitin sa tela ang aspile o karayon kung itutusok ito sa kandila.
• Kung nawala ang bath tub plug, magandang ihalili dito ang golf ball.
• Toothpick ang ginagamit para i-tsek kung luto na ang cake. Ang hilaw na spaghetti noodles ay puwedeng gamitin kung walang toothpick.