Kakaibang isda na nahuli sa Chile, mayroon daw dalang kamalasan!

ISANG pambihirang isda ang nahuli sa Chile at kinakatakutan na may dala itong kamalasan at nagbababala ng mga sakuna at trahedya!

May habang 16 talampakan ang isda at nahuli ito ng isang grupo ng mga mangingisda sa bayan ng Arica sa Chile. Mabilis kumalat sa bayan ang tungkol sa isda at dinayo ito ng taumbayan.

Naging viral ang video ng isda sa social media app na TikTok. Nakakuha ng milyun-milyong views at likes ang video at ayon sa mga comment ng mga marine experts, napag-alaman na ang isda ay isang oarfish.

Ang oarfish ay nakatira sa pinakailalim na bahagi ng dagat at maaaring ang dahilan ng paglitaw nito sa mababaw na parte ng dagat ay dahil sa paggalaw ng tectonic plates.

Sa Japan, may paniwala na kapag nakakabingwit ng oarfish ang mga mangi­ngisda doon ay pangitain ito ng tsunami at lindol. May paniwala naman sa Chile na kung sino ang nakabingwit nito ay makararanas ng kamalasan.

Sa kasalukuyan, wala pang scientific study na nagpapatunay na ang oarfish ay senyales ng paparating na tsunami o lindol.

Show comments