• Mas mainam na ibabad ang pasas sa Coke kung ihahalo ito sa cookies o cake. Lalong lalabas ang linamnam ng pasas.
• Para mas maging malasa ang barbecue: Pagkaraan ng magdamag na pagbabad ng karne sa marinade, ihiwalay ang karne sa marinade. Sa bawat kalahating tasa ng marinade, ihalo ang kalahating tasa ng Coke + kalahating tasa ng banana catsup. Haluing mabuti. Ito ang ipahid sa karne habang iniiihaw. Kung may matitira, pakuluan at gamiting sauce.
• Kung may left over na barbecue sa refrigerator: Ilagay sa pan, buhusan ng Coke at ipainit sa oven.
• Nagkakaroon ng kakaibang sipa ang adobo kung dadagdagan ng kaunting Coke habang pinapakuluan.
• Kung ayaw ninyong gumamit ng insecticide, bleach (zonrox, chlorox) ang ipang-isprey sa langgam. Ang isa pang puwedeng gamitin ay rubbing alcohol.
• Pampaputi ng pustiso: Ibabad magdamag sa maligamgam na tubig na hinaluan ng 2 drops of bleach. Kinabukasan ay hugasan ng tubig at dishwashing liquid.
• Napasong dila dulot ng paghigop ng sobrang mainit na kape o sabaw: Magsubo ng isang kutsaritang asukal. Hayaang nakababad ang asukal sa dila hanggang ito ay matunaw.
• Imasahe ang honey sa siko upang maging makinis ito at matanggal ang pangingitim.
• Ihalo ang red wine sa barbecue marinade. Bukod sa pampalasa, ang red wine ay nakakabawas sa cancer-causing-compound na matatagpuan sa mga karne.