Obesity facts (Last part)  

• Ang obesity o labis na katabaan ang number one dahilan ng sakit sa atay sa mga bata.

• Four times ang panganib ng obese children na magkaroon ng alta presyon pagsapit nila sa adulthood.

• Ang dahilan ng obesity ay sobrang pagkain ng marami, walang ehersisyo o nasa lahi talaga ang katabaan.

• Base sa pag-aaral sa U.S., mas malaki ang tsansa ng low-income women na maging obese kaysa higher-income women.

• One-third ng US women na 75 years old o mas matanda ay obese.

• May kinalaman ang obesity sa osteoarthritis at knee osteoarthritis. Ang pagtaas ng obesity sa mga may edad na 65 o mas bata pa ang dahilan kung bakit dumadami ang sumasailalim sa knee replacement surgery sa U.S.

• Kung lahi ang pagbabasehan ng obesity: Blacks have the highest obesity rates (47.8%), followed by Hispanics (42.5%) and whites (32.6%). Asians have the lowest obesity rates (10.8%).

• Dahil sa increasing rates ng obesity, ang mga batang babae ay maagang nadedebelop ang breast. African American girls ay nagsisimulang lumaki ang breasts sa edad na 8 years 10 months on average, kumpara sa edad na 9 years 4 months para sa Hispanic girls at edad 9 years 8 months sa white and Asian girls.

• May kinalaman din ang obesity sa madalas na nararanasang migraine.

Show comments