Obesity facts (Part 2)
• Ang isang paraan upang maiwasan ang obesity o labis na pagtaba ay nguyain ang pagkain nang daha-dahan. Mga 20 minutes ang hihintayin upang ma-sense ng utak na busog na siya.
• Noong 2013, natalo ng Mexico ang USA bilang “The Most Obese Nation”. USA dati ang nangunguna.
• Ang taong obese noong bata pa ay mahihirapang magpapayat kapag adult na dahil ang fat cells niya ay 5 times ang kapal, kumpara sa taong tumaba lang noong adult na siya.
• Ang nagiging medical condition ng pagiging obese na bata ay hika, sakit sa bato, orthopaedic diseases, depresyon at diabetes,
• Higit sa apat na milyong Amerikano ang tumitimbang ng 300 pounds.
• Mas maraming obese na babaing may asawa na walang trabaho at nasa bahay lamang kaysa kanyang counterpart na career women.
• French fried potatoes ang laging kinakain sa America bilang “vegetable”.
• Globally, higit sa 1.4 billion adults ang overweight noong 2008. Idineklara ng World Health Organization noong 2015 na ang obesity ay “worldwide epidemic”.
• Ayon sa ginawang pag-aaral, maliit ang tsansang maging obese ang mga babaing may college degree. Malaki naman ang tsansang maging obese kung mababa lang ang pinag-aralan ng isang babae. Wala namang significant relationship ang obesity at pinag-aralan sa mga kalalakihan. (Itutuloy)
- Latest