Lalaki sa U.S., nakatanggap ng Guinness Record nang makapag-memorize ng baraha habang nasa ilalim ng swimming pool!

ISANG lalaki sa Florida ang nakatanggap ng Guinness World Record title na “Fastest time to arrange a deck of playing cards memorized underwater”!

Tinaguriang Grandmaster of Memory si Nelson Dellis dahil sa kanyang ­galing sa pagme-memorize. Pangkaraniwan na kay Dellis na magkabisado ng mga pangalan, numero at baraha sa loob lamang ng ilang segundo.

Upang patunayan ang kanyang galing ng kanyang memorya, tinanggap niya ang hamon ng Guinness World Records na mag-­memorize ng mga shuffled na baraha habang nasa ilalim ng swimming pool.

Pagkatapos itong me­moryahin, kailangan niyang umahon sa swimming pool at ayusin ang pangalawang deck ng baraha sa kung paano ang pagkakasunod-sunod ng unang deck na nasa ilalim ng pool.

Natapos ni Dellis ang kanyang world record attempt sa loob ng 2 minutes and 22.53 seconds. Tinalo niya ang previous record noong 2019 na 3 minutes and 42.5 seconds.

Ayon kay Dellis, ang pinakamahirap sa record attempt niyang ito ay ang pagpigil sa kanyang paghinga habang nasa ilalim ng swimming pool.

 

Show comments