‘Emotionally strong’ ka ba?

• Hindi ka mapaghanap dahil kuntento ka sa kung anong mayroon ka.

• Ang tingin mo sa bawat tao ay may kanya-kanyang uniqueness. Kaya no way para ikumpara ang iyong sarili sa ibang tao. Naniniwala ka na magnanakaw ng kaligayahan ang ‘social comparison’.

• Mas pipiliin mong mag-isa kaysa sumama sa mga taong maliligalig at madadrama.

• Ipinagpapatuloy mo pa rin ang pagsusumikap sa kabila ng kabiguan.

• Hindi ka nagsasalita ng “hindi ko kaya”.

• Matiyaga ka dahil alam mo na ang tagumpay ay hindi dumarating sa isang magdamagan lang.

• Hindi mo inuulit ang mga pagkakamaling nagawa.

• Bukas ang isipan mo sa mga pagbabagong nangyayari sa iyong buhay.

• Hindi ka mareklamo lalo na sa mga bagay na wala kang kontrol.

• Tanggap mo na “you can not please everybody”. Kaya hindi ka natatakot na sabihin ang iyong opinyon kung kinakailangan.

• Marunong kang humingi ng tawad at magpatawad.

• Hindi ka nakukuha sa lagay.

• Masipag kang empleyado at ginagawa mo nang tama at maayos ang iyong trabaho kaya “sipsip” is cheap para sa iyo.

• Hindi mo ugaling magmagaling dahil alam mong magaling ka..

“Courage does not always roar. Sometimes courage is the quiet voice at the end of the day that says, I will try again tomorrow.”—Mary Anne Radmacher

 

Show comments