^

Punto Mo

Tigil-kotong, komprontasyon sa ‘no contact apprehension policy’

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

May ilang mga lokal na pamahalaan partikular sa Metro Manila ang nagpapatupad na sa kasalukuyan sa ‘no contact apprehension policy’.

Kung inaakala ng isang motorista na walang nakakakitang traffic enforcer sa kanyang ginawang paglabag sa batas trapiko, abay dyan siya nagkakamali.

Nakatutok at nakabantay sa maraming lansangan ang mga camera na siyang  nagsisilbing mata sa mga pasaway na motorista.

Nakukunan ang mga paglabag kahit walang sumisita sa kanya.

Darating na lang sa may-ari ng sasakyan ang notice of violation kasama ang larawan nang naganap na paglabag.

Iba-iba ang  itinakdang multa kumporme sa panuntunan ng lungsod kung saan siya nahuli ng camera.

Maganda ang layunin ng programang ganito.

Naiiwasan ang kotong ng mga enforcer o nagpapapatupad ng batas trapiko.

Naiiwasan ang mga komprontasyon sa pagitan ng humuli at hinuhuli.

Sa pamamagitan din nito, natutong maging disiplinado ang isang motorista may nakakakita man o wala.

Gayunman, ayon sa ilan  dapat din mabigyan nang pansin sa pagpapatupad nito ang mga luma nang traffic lights.

Mas giit ng mga motorista na gawin nang lahat na digital o yung may timer na traffic light ang ilagay sa mga lansangan para nalalaman o naantabayan    ang pagpapalit nito sa kulay.

Karamihan nga naman kasi ngayon luma na at may diprensiya na ang mga stop lights na dahil dito madalas na ang mga nahuhuling motorista ay inaabutan sa alanganing puwesto.

Pwede naman umano na kuwestiyunin ang notice of violation at pwedeng dinggin ang paliwanag ng mga hinuhuli.

Sana rin naman ay agad na maipadala ang mga notice na ito, para agad namang masagot ng motorista at hindi na tumaatas pa ang kanyang babayarang multa.

Iisa ang dapat na maging panuntunan dito, eh wag magbarumbado at ‘wag maging pasaway sa lansangan.

Maging disiplinado may nakakakita man o wala.

NO CONTACT APPREHENSION POLICY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with