NOONG 2020, ni-release ng isang kilalang Japanese electronics company ang gadget na Reon Pocket, isang wearable airconditioner!
Isinasabit sa ilalim ng batok ang Reon Pocket at naglalabas ito ng malamig na hangin sa likuran kung saan madalas pinagpapawisan.
Succesful ang launching ng unang generation ng gadget na ito at nakabenta ng mahigit 10,000 units sa loob lamang ng dalawang araw.
Ngayong 2022, ni-release ang third generation ng gadget na tinawag na Reon Pocket 3. Isa sa improvement kumpara sa 1st generation ay may motion detector na ito at nalalaman ng gadget kung saang parte ng katawan ibubuga ang malamig na hangin. Dahil may Bluetooth na rin ito, maaaring kontrolin ang Reon Pocket 3 gamit ang smartphone.
Headline ngayon sa mga Japanese TV networks at news websites ang nararanasang heatwave sa Japan. Umabot sa 40.2 degress celcius ang temperature sa Gunma prefecture at sinasabi na ang huling record sa ganito kainit na temperatura ay noong 1875 pa.
Dahil dito, nagkakaubusan sa mga electronic stores ng Reon Pocket 3. Ayon sa spokesperson ng electronics company na gumagawa ng wearable aircon, inaasahan pa nila na mas magiging mabenta pa ito hanggang buwan ng Agosto kung kailan kasagsagan ng summer sa Japan.
Nagkakahalaga ng 14,850 Yen ang Reon Pocket 3 at wala pang balita kung kailan opisyal na ibebenta ito sa labas ng Japan.