^

Punto Mo

Iba pang silbi ng alak, bukod sa pampalimot ng problema

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ANG alak na tinutukoy sa artikulong ito ay yung lumipas na ang “spirit” o kaya ay umasim na. Huwag mong itapon dahil marami ka pang puwedeng gawin. Ang Hollywood actress na si Teri Hatcher ay naglalagay ng isang basong red wine sa kanyang tubig na pambanlaw sa katawan matapos sabunan. Nakakalambot daw ito at nagpapakintab ng kutis.

Mainam na panghugas ang alak ng prutas at gulay. Sa isang pag-aaral na ginawa noong 2005 ni Mark Daeschel ng Oregon State University, ang alcohol sa alak ay nakakatanggal ng “foodborne pathogens” kagaya ng  salmonella at E. coli. na nakadikit sa balat ng prutas o dahon ng gulay.

Nagsisilbing kitchen disinfectant. Ilagay sa basahan at ito ang ipangpunas ng lababo o working tables sa kitchen. Ngunit huwag gamitin sa granite materials dahil tutunawin ng acid ng alak ang ibabaw nito.

Ang panis na alak ay patungo na sa pagiging suka kaya nagiging acidic na ito. Dahil dito, mainam na gamitin itong panlinis sa window glasses at mirror. Iisprey ito sa bintana at salamin at saka punasan ng ginusot na diyaryo.

Pang-trap sa langaw. Maglagay ng alak sa glass jar hanggang kalahati. Ilagay sa lugar na maraming langaw.

Nagtatanggal ng oil stain. Buhusan ng white wine ang grease or oil stain na kumalat sa sahig ng garahe. Okey gamitin ang red wine kung ang sahig ng garahe ay hindi delikadong mahawahan ng kulay ng red.

Gamot sa sugat. Basain ng alak ang bulak at idampi sa sugat o galos. Mayaman ang alak sa flavonoids, isang anti-oxidant na nagtatanggal ng hapdi at pumipigil sa pamamaga ng tissue.

Use wine to clean wine. Kapag natapunan ang white carpet ng red wine, ito ay buhusan ng white wine, dampian ng malinis na basahan hanggang sa matanggal ang kulay pulang mantsa.

vuukle comment

LIQUOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with