^

Punto Mo

Ang buhok ng anghel (Last part)  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

LUMABAS si Cher ng emergency room para maghanap ng telephone booth. Nadama niya na malala ang bali ng kanyang kanang braso dahil nang akmang itataas niya ang kamay upang dumayal sa telepono, sumasakit ang bandang kilikili at bandang siko. Sa sobrang kirot, impit na napaiyak siya. Hindi niya namamalayan ay may isang babae sa kanyang likod at naghihintay na siya ay matapos sa pagtawag.

“Miss, kailangan mo ng tulong?”

Malumanay ang pagsasalita. Parang boses ng mabait na tao. Kaya’t agad siyang napalingon. Mestisa ito. Maamo ang mukha. Nakapusod ang buhok niya na parang buhok ng mais. Nakaputi siya. Nasa isip niya ay isa ito sa mga nurses o doktor doon.

“Mam, masakit po ang aking braso kapag aking iginagalaw, puwede pong pakidayal ang mga number na ito.” Iniabot niya ang maliit na notebook. Agad na idinayal ng mestisang babae ang number ni Jessa. Hinintay muna nitong mag-ring saka iniabot kay Cher ang telepono. Pagkatapos nilang magkasundo ni  Jessa kung saan sa PGH sila maghihintayan ay ibinaba na ni Cher ang telepono.

“Mam, thank you po.”

“Kasama ka doon sa bus na naaksidente kanina?”

Tumango si Cher.

“Saan ang masakit?”, tanong muli ng mestisang babae.

“Ito pong kilikili, siko at saka ulo.”

Hinipo ng mestisa ang kanyang braso, tapos, sa ulo. May kakaibang init ang kamay nito. Damang-dama ito ni Cher. Pagkahipo sa kanyang ulo ay nagsalita ito. “Don’t worry, you’ll be alright. God will heal you.”

Parang nagdilang-anghel ang babae dahil tila milagrong nawala ang sakit ng kanyang braso at ulo. Biglang guminhawa ang kanyang pakiramdam. Nilingon niya ang babae para magpasalamat pero nawala ito.

Pagdating ni Jessa sa ospital ay ikinuwento niya ang lahat. Mula sa aksidente hanggang sa pinagaling siya ng babaing mestisa. Maya-maya ay isinakay siya ng kaibigan sa bus.

Pagdukot niya ng pamasahe sa wallet, nalaglag ang istampita na may larawan ng anghel. Dinampot niya ito at pinagmasdan. Kulay buhok ng mais ang buhok ng anghel kagaya ng buhok ng babaing tumulong sa kanya!

BUHOK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with