Kaalaman tungkol sa pagiging ‘vegetarian’ (Part 3)  

• Ang “fruitarian” ay isang klase ng vegetarian na ang kinakain lang ay fruits, nuts, seeds, at ibang halaman na kapag inani ay hindi kailangang patayin ang isang buong halaman. Kagaya ng punongkahoy, kapag nag-ani ka ng prutas, naroon pa rin ang puno at hihintayin na muling mamunga. Ang kailangang patayin ang halaman sa panahon ng anihan at muling magtanim ng panibago ay palay, camote at marami pang iba.

• Ang isa pang uri ng vegetarian ay pescetarian kung saan ang kinakain ay isda, shellfish, gulay, prutas, itlog, grains, dairy, beans. Naimbento ang salitang pescetarian noong 1993 mula sa pinagsamang Italian word na pesce (fish) at English word na vegetarian.

• Ang hindi kinakain ng Buddhist vegetarian (su vegetarianism) ay animal products at gulay na mula sa Allium family— onion, garlic, leeks, chives, shallots. Bukod sa nakakayamot ang amoy ng mga nabanggit, naniniwala sila na nakakakulo ito ng dugo or magiging mainitin ang  ulo kapag kumain ka nito.

• Ang jain vegetarians ay kumakain ng dairy pero hindi ang itlog, honey at mga halamang tumutubo sa ilalim ng lupa kagaya ng camote, mani, labanos, carrots, etc.

(Itutuloy)

Show comments