^

Punto Mo

Mahigit 300 ‘sirena’ at ‘siyokoy’ nagsama-sama sa England para sa Guiness World Record!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGTAGUMPAY ang 388 kataong nakasuot ng mermaid costume na masungkit ang Guinness World Record title na “World’s Largest Gathering of Merfolk”.

Ayon sa founder ng Devon and Cornwall Wild Swimming group, 301 katao lamang ang inaasahan nilang dadalo sa 2022 Mermaid Challenge sa Tinside Lido, Plymouth pero umabot ang bilang sa 388.

Upang mapabilang sa official count ng Guinness bilang isang mermaid o merman, may requirement sa mga participants ng event na dapat ay nakasuot ng mermaid costume at bawal magsuot ng t-shirt.

Dinaluhan ang event ng mga bata, teenagers at mga matatanda. Karamihan ay nakasuot ng makulay na wig upang gayahin ang sirenang si Ariel sa animated movie na The Little Mermaid.

Ang record breaking attempt na ito ay inorganisa ni Pauline Baker at ng Plymouth Active Leisure, National Marine Park Horizons Project at Plymouth City Council

GUINESS WORLD RECORD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with