^

Punto Mo

EDITORYAL - Iangat ang kalidad ng edukasyon

Pang-masa
EDITORYAL - Iangat ang kalidad ng edukasyon

MALAKING hamon para kay vice president-elect Sara Duterte-Carpio ang pamumuno sa Department of Education (DepEd). Isa ang DepEd sa mga tanggapan ng pamahalaan na batbat ng problema. Unang-una na rito ang bumababang kalidad ng edukasyon, kakulangan sa mga silid-aralan, problema ng mga guro sa kanilang sahod at ang talamak na korapsiyon. Si Sara ang kauna-unahang miyembro ng Cabinet na itinalaga ni president-elect Ferdinand Marcos Jr. Maluwag namang tinanggap ni Sara ang posisyon bilang DepEd secretary. Nagpapakita lamang ito na kaya niyang harapin ang mabigat na trabaho sa DepEd.

Sa pag-upo ni Sara sa Hulyo 1, 2022, ang una niyang dapat tutukan ay ang problema nang maraming bata ngayon na edad walo ay hindi pa marunong bumasa at sumulat. Lumutang ang problemang ito nang ipairal ang online classes dahil sa pandemya. Ang online learning ay hindi naging mabisa para matuto ang mga bata. Mas natututo ang mga bata sa face-to-face classes kung saan, nagagabayan ng guro ang bata sa pagbasa, pagsulat at pagkuwenta. Sa Agosto ay magsisimula na ang F2F classes at sa pagkakataong ito dapat maihabol ang mga bata na matutong bumasa at sumulat. Kawawa naman ang mga ito kung hindi matututo.

Bumababa ang kalidad ng edukasyon. Nakita ang pagkakulelat ng mga kabataang Pilipino sa Math, Science at maski na sa Philippine History. Imagine, bopols sa kasaysayan ng Pilipinas ang mga mag-aaral na Pinoy. Halimbawa, hindi alam ng ilang kabataan ang kahulugan ng Gomburza. Simpleng katanungan lang ito pero nangangapa ang mga kabataan. Hindi nila alam ang kamartiran nina Padre Gomez, Burgos at Zamora. Nakakaawa naman na ang sariling kasaysayan ay kapos sila sa nalalaman.

Kailangang malaman kung saan may mali ang sistema ng edukasyon. Baka naman dahil sa mga guro? Paano nakapasa sa high school o Grade 7 ang mga hindi alam ang kahulugan ng Gomburza. Ipinasa ng guro kahit walang nalalaman. Kailangang busisiin ang kakayahan ng mga guro at baka ang mga ito ang dahilan kung bakit kapos sa aral ang mga kabataan.

Maaaring dahil din sa korapsiyon sa DepEd kaya nagkakaganito ang sistema sa edukasyon.

Noong Marso, inamin mismo ni DepEd Secretary Leonor Briones na may katiwaliang nangyayari sa kanyang tanggapan at ito ang dahilan kung bakit napagkakaitan ng edukasyon ang maraming kabataan. Kaya ipinanukala niya ang pagtatatag ng anticorruption committees (ACC) sa kanilang central, regional at schools division offices.

Malaking hamon kay Sara ang mga suliranin sa DepEd. Sana, maitama niya ang maling sistema, masolusyunan ang kakapusan ng classroom at mapahinto ang korapsiyon.

DEPED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with