BUKO na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pitong e-sabong sites na nag-o-operate sa kabila ng ban na ipinag-utos ni Boss Digong laban dito.
Sabi nga, ang bilis ng aksiyon kung gugustuhin.
Madaling gawin.
Ika nga, pang-PR kay Boss Digong.
Wala raw prankisa mula sa Pagcor?
Nang ipagbawal ni Boss Digong ang e-sabong operations inumpisahan ng mga matitinik umano sa ilegal ang operasyon ng e-sabong sites.
Naku ha!
Siguradong sila-sila rin yan dahil hindi biro ang tayaan sa e-sabong.
Paano ito ikakasa kung maliit lang ang puhunan ng mga kapitalista nito.
Sino ang magtitiwala at tatayang su garol kung hindi mababayaran agad?
Kilala na ang mga illegal e-sabong sites.
Ang tanong, ano ngayon ang gagawin?
Ibulgar ninyo ang mga financers!
Alam ng madlang people kayang tiktikan ng cyber crime groups ang mga illegal e-sabong online site tiyak isasara lang ito.
Pero paano ang mga operator na nakakuha nang malaking halaga sa sugalang ito?
Ang gustong malaman ng madlang people ang financers/operators ng sugalan.
Teka, paano ang iba pang illegal gambling operations sa online tulad ng sakla at iba pa?
Abangan.