^

Punto Mo

 EDITORYAL - Paglusaw sa party-list system

Pang-masa
 EDITORYAL - Paglusaw sa party-list system

PABOR ang nakararaming party-list representatives na amyendahan ang party-list system upang maiwasan ang pang-aabuso ng ilang sektor. Sinabi ng representatives, pawang kapakinabangan para sa sarili ang inaatupag ng mga grupo. Kung maaamyendahan umano ang party-list system, maitatama ang mali at maiiwasan na ang pang-aabuso rito.

Taliwas naman ang paniwala ni President Duterte. Paglusaw sa party-list system ang nararapat. Dapat ibasura na itong tuluyan. Noon pa, binabatikos na ni Duterte ang party-list system na aniya’y nagmama­labis. Noong nakaraang Miyerkules, nang magsalita sa telebisyon ang presidente, sinabi niya na dapat nang i-scrap ang party-list system. Hiniling niya sa susunod na administrasyon ang pagbuwag dito. Hindi lamang ang pagmamalabis  sa party-list ang sinabing dahilan ni Duterte kaya gusto niya itong mabuwag kundi ginagamit ito ng leftists para sirain ang pamahalaan.

Kapag sinabi ni Duterte, nangyayari. At malaki ang posibilidad na mabuwag na ang party-list sa administrasyon ni incoming president Bongbong Marcos Jr. Sa dami ng kaalyado sa House of Represenstatives at maging sa senado, posibleng ma-scrap na ang party-list.

May katotohanan naman na inaabuso na ang party-list system at kaduda-duda ang nirerepresenta sa kongreso. Layunin ng party-list system na magkaroon ng kinatawan ang mga maliliit sa lipunan pero sa kasalukuyan, pansariling interes ang kanilang hangad. Sa nakaraang election noong Lunes, 70 percent ng party-list groups na pinayagang makasali ay identified sa political clans at mga malalaking negosyo na wala namang malinaw na adbokasiya at nirerepresenta.

Sinabi naman ng election watchdog Kontra Daya, na 44 na party-list groups ang kontrolado ng political clans, 21 ang may koneksiyon sa malalaking negosyo samantalang 34 ang walang malinaw na adbokasiya at representasyon. Mayroon ding 32 party-list groups na may koneksiyon sa pamahalaan at military, samantalang 26 ang may incumbent officials na tumatakbong party-list nominees. At ang malupit, 19 na party-list groups ang may pending na court cases.

Nararapat na ngang buwagin ang party-list system sapagkat ginagamit lamang ito mga sakim sa kapangyarihan. Hindi na makita ang tunay na layunin kaya ito nilikha. Naisasantabi ang mga dapat makinabang at namamayagpag ang mga gahaman.

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with