• Mas magaling sa visual spatial task (fine arts at architecture) ang left handers samantalang ang right handers ay magagaling sa math at science.
• Ayon sa research na ginawa sa St. Lawrence University sa New York, mas maraming left handers ang may I.Q. na 140 pataas. Ilan sa mga ito ay sina Albert Einstein, Isaac Newton, Charles Darwin, at Benjamin Franklin na lahat ay lefties.
• Paano malalaman kung lefties ang inyong baby? Kapag nakadapa, ang ulo nila ay nakabaling sa kaliwa at madalas na isinusubo ang kanilang left thumb sa bibig.
• Mas marami ang lalaking left handers.
• Ang sinaunang paniwala ng mga Eskimo ay may potensiyal na maging mangkukulam ang kaliwete. Sa Morocco, ang kaliwete ay tinatawag na s’ga which means devil.
• Pero sa Incas, sila ay may magical power na puwedeng makapagpagaling ng sakit.
• Good Luck ang dulot ng pagiging left handers ayon sa tribung Zuni ng North America.
• Sa Scotland, mamalasin ang taong bininyagan ng left-handed priest.
• Sa Bibliya, 100 beses na binanggit sa positibong paglalarawan ang right hand, samantalang 25 beses lang binanggit ang kaliwang kamay gamit ang negatibong paglalarawan. (Itutuloy)