MARAMING kumakalat na posibleng motibo sa pagpaslang kay Kenneth Yu sa Mandaluyong City noong Mayo 1. Siyempre, interesado ang mga Marites na mga sabungero sa pag-usad ng kaso dahil kilala nila si Yu na sanggang dikit o chief security ng isang gambling lord. Subalit hanggang sa ngayon wala pang linaw na motibo na sinusundan ng mga imbestigador ni Maj. Gen. Ely Cruz, ang director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Nailista ng mga sabungerong Marites ang posibleng motibo na gantihan sa kaso ng 34 missing na sabungeros, milyones na utang, o ang negosyo ni Yu na buy-and-sell ng mga sasakyan. Anong motibo ang nasa isipan n’yo mga kosa? Dipugaaaaa! Hak hak hak! Lalabas at lalabas din ang katotohanan sa kaso ni Yu, di ba mga kosa?
Sinabi ng mga Marites na si Yu ay may pagkakautang sa amo niya na aabot sa P500 milyon dahil sa e-sabong. Subalit may friend naman ako na nagsasaing kuripot ang amo ni Yu at hindi ito magpapautang ng kahit isang milyon. Get’s n’yo mga kosa? Itong negosyo ‘ata ni Yu ay tabingi kaya posibleng may natapakan siya. Maari ring si Yu ay nahagip ng mga kamag-anak ng 34 missing sabungeros na hanggang sa ngayon ay hindi pa nila nakamtan ang hustisya. May ilan kasi sa 34 missing sabungero na may kaya rin sa buhay ang pamilya o kamag-anak kaya may kapabilidad din silang gumanti. Araguuyyyyy! Hak hak hak! Bakit kasi nauso pa itong Marites? Mismooooo!
Sinabi naman ni Col. Randy Glenn Silvio, ang hepe ng CIDG National Capital Region (NCR) na si Yu ay inilibing na noong Miyerkules sa Bayugan City, Agusan del Sur. Aniya, hiniling ng pamilya ni Yu na palipasin muna ang libing at magko-cooperate sila sa imbestigasyon ng CIDG dahil nais din nilang magkaroon ng hustisya ang biktima. “Malaking bagay na makausap ang pamilya ng biktima dahil tiyak may alam sila tungkol sa buhay nito, dahil malaki ang posibilidad na magkukuwento rin ito,” ani Silvio. “Nais naming alamin kung may death threat ang biktima at iba pang detalye na maaring makatulong sa paglutas ng kaso.” Ang CIDG sa CARAGA Region ang makipag-usap sa pamilya ni Yu, ani Silvio. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Dapat kausapin din ni Silvio ang close friend ni Yu na si Michael Ang at tiyak maraming alam ito tungkol sa buhay ng biktima dahil halos gabi-gabi silang magkasama sa Baia nightclub sa Quezon City.
May pahabol pang motibo ang isa pang Marites na sabungero na si Yu ay lulutang at tetestigo laban sa e-sabong. Owwwwww! Next to impossible na ang balitang ito dahil si Yu at ang amo niya ay magkasama na noon pang ang huli ay jueteng pa lang ang negosyo. Sa laki ng kita ng e-sabong ng amo niya, tiyak malaki din ang take home pay at mga allowances ni Yu, kaya hindi kapanipaniwala na ilaglag niya ito. Ano sa tingin mo Sen. Bato dela Rosa Sir? Tsk tsk tsk! Itong mga Marites talaga! Imbes na makatulong sa kaso ni Yu eh baka mawindang pa eh. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Abangan!