Kumain ng yogurt para matanggal ang bad breath. Ang “live” microorganism na nasa yogurt ang papatay sa bacteria na sanhi ng bad breath. Doble ang benefits na makukuha sa yogurt, pantanggal na ng bad breath, susugpuin pa nito ang osteoporosis. Sapat na ang one serving ng yogurt per day.
Pagod na pagod ang iyong paa sa maghapong paglalakad? Umupo. Kumuha ng dalawang tennis or golf balls. Tapakan ng tig-isang paa ang ball at pagulungin ng talampakan. Kung walang bolang nabanggit, puwedeng gamitin ang lata ng sardinas o lata ng mediun size corned beef.
Hindi matanggal ang sinok? Isubo ang isang kutsaritang asukal (white, para pino at hindi makakahirin) at sa loob ng isang minuto ay mawawala na ito. Ang sinok ay dulot ng paghilab ng nerve muscle na nagkokontrol sa diaphragm. Ang paglunok ng asukal ay nakakatulong upang tumigil ang paghilab ng muscle.
Makinig ng paborito mong music sa loob ng 30 minutes kada araw gamit ang iPod upang bumaba ang blood pressure. Ayon sa resulta ng pag-aaral na ginawa ng University of Florence Italy, bumababa ang systolic ng 3.2 points after one week at 4.4 naman ang ibinaba after one month. Mga pasyenteng may alta presyon at may maintenance medicine ang ginamit nila sa experiment.
Matatanggal ang motion sickness na may kasamang paglalaway at pakiramdam na masusuka sa pamamagitan ng pagsipsip ng katas ng alinman sa mga sumusunod: orange, dalanghita. Hatiin ang prutas at direktang sipsipin ang katas.
Tuyo at malutong na kuko. Pahiran ng cooking oil ang bawat kuko bago matulog. Balutin ang kamay ng plastic gloves (ginagamit sa mga restaurant) upang hindi mapakuskos ang mantika sa bed sheet. Magdamag na mabababad ang kuko sa oil. Kung kuko sa paa, balutin ang paa ng plastic na angkop sa size ng iyong paa. Talian ng rubber band ang plastic upang hindi matanggal sa paa habang natutulog.