100 amazing secrets (Part 2)
11. Paraan upang madaling matuklap ang balat ng nilagang itlog: Habang kumukulo ang tubig na may itlog, buksan ang takip ng kaldero ng ilang minuto, tapos takpan ulit hanggang sa maluto. Dahil sa pressure, luluwag ang balat sa pagkakadikit sa itlog.
12. Paano tanggalin ang gasgas sa plastic na relo? Basain ng acetone ang bulak. Ito ang ikuskos sa “face” ng relo.
13. Lagyan ng mabangong sabon ang loob ng maleta bago itago upang hindi magkaroon ng amoy-amag.
14. Gumawa ng sariling pin cushion. Ang ipalaman sa cloth bag ay steel wool para pagtusok ng aspile at karayom, para mo na rin itong inihahasa. Pantanggal din ito ng kalawang sa aspile at karayom.
15. Paano pangalagaan ang leather upholstery? Kuskusin ito ng skim milk na tinunaw sa tubig tuwing ikatlong buwan.
16. Paano mapapanatiling fresh ang strawberries? Ilagay kaagad sa refrigerator. Huhugasan lang ito kapag kakainin o gagamitin sa pagluluto.
17. Paano magiging fluffy ang egg omelette? Sa bawat 4 na itlog, haluan ito ng isang kutsaritang corn starch. Idadagdag ang cornstarch habang binabati.
18. Magtatagal ang walis tambo kung ibababad muna ito magdamag sa tubig na kinuha sa dagat o tubig mula sa gripo na hinaluan ng maraming asin.
19. Matatanggal ang amoy ng fresh paint kung maglalagay ng isang timbang malamig na tubig sa kuwarto at papalitan ito tuwing ika-dalawang oras.
20. Paano paghihiwalayin ang dalawang baso na magkapatong? Maglagay ng cold water sa basong nasa ibabaw. Tapos ilubog sa maligamgam na tubig ang basong nasa ilalim. Kusa itong maghihiwalay nang hindi mababasag.
- Latest