^

Punto Mo

EDITORYAL - SIM card bill: Mahalaga ngunit hindi inapruba

Pang-masa
EDITORYAL - SIM card bill: Mahalaga ngunit hindi inapruba

KUNG alin ang mahalaga yun ang binabalewala at hindi inaapruba. Unahin sana ang mga panukalang batas na malaki ang maitutulong para maproteksiyunan ang sambayanan. Ito ang nararapat ngayon.

Katulad nitong panukalang registration ng subscriber identity module (SIM) at social media accounts na nakapaloob sa Senate Bill 2395 at House Bill 5793 na hindi inaprubahan o vineto ni President Duterte. Maraming umasa na lalagdaan ito ng presidente sapagkat usung-uso ngayon ang krimen na may kinalaman sa electronic communication. Bukod sa pagnanakaw ng account gamit ang cell phone at iba pang gadget, ginagamit din ito sa pagpapakalat ng fake news at iba pang maling impormasyon. Kung rehistrado ang SIM card at social media accounts, mapipigilan ang mga masasamang gawain o cyber crime.

Kung tutuusin, maliit na bagay lang naman kung bakit hindi nilagdaan ng presidente ang SIM card bill. Ayon kay Presidential Communications Secretary at acting presidential spokesman Martin Andanar, isang dahilan kung bakit vineto ang panukalang batas ay dahil isinama ang social media providers na irerehistro na sa orihinal na version ay hindi naman kasama. Sabi umano ng presidente, dapat pag-aralan pang mabuti ang panukalang batas sapagkat marami pa ang hindi na-defined at na-discussed kaugnay sa social media registration. Hindi raw naipaliwanag na mabuti ang ukol dito.

Maganda at napapanahon ang layunin ng panukala sa SIM card at social media registration. Bukod sa malalabanan ang cyber crime, madaling matutunton ang mga terorista na ang ginagamit na trigging device sa pagpapasabog ay cell phone. Kung rehistrado ang SIM card, mahahanap agad ang salarin. Isa pa, madaling makilala ang bayarang trolls na nagpapakalat ng maling impormasyon o fake news.

Rebisahin ang panukalang batas na ito at sa hinaharap ay muling ihain upang maproteksiyunan ang mamamayan sa bangis ng electronic communication crime.

SIM CARD BILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with