^

Punto Mo

Eleazar, inimbita ni ­Inday Sara sa UniTeam!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Tumawag si Eloisa Luna, ang may-ari ng Rooftop Bar sa Antipolo City at kinuwestiyon ang isyu na may party drugs na ibinibenta sa establisimento niya. May waiter ba kayong alyas Leo Ma’m? Magaling din mag-namedrop at manakot si Ma’m Eloisa at nag-demand pa ng public apology. Subalit sa dalawang beses kaming nag-usap, hindi man lang binanggit ni Ma’m Eloisa ang isyu na nag-o-operate ang Rooftop Bar na walang permits. Ayon kay Col. Dominic Baccay, Rizal provincial director (PD), ilang araw nang sarado ang Rooftop Bar. Bakit kaya? Anong sey mo Antipolo City Mayor Andrea Ynares Ma’m?

• • • • • •

Taos-puso ang pasasalamat ni Partido Reporma senatorial bet ex-PNP chief Guillermo Eleazar sa mga pulitiko na nag-cross party lines para iendorso ang kandidatura niya sa darating na Mayo. Isa rito ay si Vice Presidentiable Sara Duterte na inanyayahang maging guest candidate ng UniTeam si Eleazar sa kanyang campaign sortie sa Manila nitong Marso 25. Sa nasabing sortie, inendorso ni Inday Sara si Eleazar na kanyang tinawag na “a good friend.” “Malaki ang pasasalamat ko sa mga kandidatong nakikitaan ako ng potensiyal na maglingkod sa Senado at sakaling ako ay palarin na manalo, makakaasa kayo na ako ay magtatrabaho para tulungang ipanalo ang laban ng ating mga kababayan,” ani Eleazar.

“I thank Mayor Sara Duterte for believing in my capacity as a public servant and we welcome her endorsement of course. Gusto ko lang po linawin na this does not mean that I have plans to switch allegiances,” ang dagdag pa ni Eleazar.  Hak hak hak! Maraming grupo na ang nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Eleazar at malaking bagay na pati si Inday Sara ay nagtutulak pa para manalo siya sa Mayo. Dipugaaaaa!

Kaya naman inimbita ni Inday Sara si Eleazar sa UniTeam ay dahil binitiwan ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez, ang chairman ng Partido Reporma, ang standard-bearer ng partido na si Sen. Ping Lacson. Siyempre, naging independent na si Lacson at ang ibang kandidato ay nagkawatak-watak na. Subalit iginiit ni Eleazar na wala siyang planong tumiwalag sa Partido Reporma at hindi uso sa kanya ang mag-switch political parties.

“After being in the uniformed service for four decades, I have learned the importance of loyalty kaya dala-dala ko ito hanggang ngayon na ako ay nagretiro na sa serbisyo,” ani Eleazar. ‘Yan ang lalaking tunay, di ba mga kosa? Mismooooo! Dipugaaaaa! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Tumpak!

Kahit nagkagulo ang kanyang partido, minabuti naman ni Eleazar na manatili sa poder ni Lacson, na naging idol n’ya noong nasa PNP pa sila. Sina Eleazar at Lacson ay kapwa naging PNP chief. «While my obvious and apparent support goes to the good senator from the very start of my journey in this candidacy, I also happen to accord an equal consideration for the Partido Reporma who, accommodated and arranged to provide me a slot in its senatorial line-up as a substitute candidate—to which I am duty-bound to adhere to,» ani Eleazar. Ang pulitika talaga sa Pinas ay napakagulo ‘no, mga kosa? Dipugaaaaa! Abangan!

PARTY DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with