INANUNSYO kamakailan ng Chester Zoo sa England na may ipinanganak sa kanilang pasilidad na Philippine spotted deer at pinangalanan nilang Lyra.
Ang Philippine spotted deer o Visayan deer ay isang endangered specie ng usa na matatagpuan lamang sa rainforests ng Panay at Negros. Dati ay mayroong Philippine spotted deer sa Cebu, Guimaras, Leyte, Masbate, at Samar ngunit naubos na sila dahil sa pangangaso, deforestation at forest clearance.
Ayon sa Chester Zoo, delikadong ma-extinct o tuluyang mawala ang specie na ito dahil 700 na lamang ang bilang nila sa kagubatan. Ang pagsilang ni Lyra, ay bahagi ng conservation breeding program sa pagitan ng Chester Zoo at ng Philippine government.
Sa panayam sa zookeeper ng Chester Zoo na si Emma Evison, ipinagdiwang nila ang pagsilang kay Lyra dahil ang bawat kapanganakan ng mga Philippine spotted deer ay malaki ang magagawa upang mapigilan ang specie na ito na maging extinct.