^

Punto Mo

EDITORYAL - Kumpulan ng tao sa rally ng mga pulitiko, delikado

Pang-masa
EDITORYAL - Kumpulan ng tao sa rally ng mga pulitiko, delikado

DAGSA ang mga tao sa campaign rally ng mga tumatakbong presidente at bise presidente sa mga probinsiya at maski sa Metro Manila. Hindi magkamayaw sa pagkakagulo para makalapit sa kandidato. Nagkakapalitan na ng mga mukha dahil sa pagkakadikit-dikit habang nakikinig sa nagsasalitang kandidato sa stage. Ang iba ay humihiyaw pa at nagpapalakpakan pa lalo na kung nagti-TikTok ang nangangampanyang kandidato. Sumasabog ang tawanan sa campaign sorties. Talsikan ang laway.

Hindi lamang sa kampanya ng mga presidential aspirants at mga senador dumadagsa ang mga tao kundi maging sa kampanya man ng mga tumatakbong kongresista, mayor, vice mayor at mga konsehal. Sa pangangampanya sa mga barangay, dumadagsa rin ang mga tao – lalo na kung may ipinamumudmod na grasya ang mga kandidato. Halos magkapalitan din ng mga mukha sa pag-aagawan sa grasyang bigay ng kandidato. Anong physical distancing? Wala nang pagi-pagitan o layu-layo pa sa pagsahod ng grasya. Anong face mask? Wala na yan!

Ang ganitong senaryo ng kaliwa’t kanang ­pangangampanya ng mga pulitiko ang naghahatid ng pangamba sa health experts. Posibleng dumami muli ang infection sapagkat kinakalimutan o binabalewala na ang health protocol. Ang mga ipinagbabawal ay hindi na sinusunod.

Sabi ng OCTA Research Group, ang mga rally at pangangampanya ay posibleng magbunsod ng panibagong surge ng COVID kung babalewalain ng publiko ang health protocol gaya ng hindi pagsusuot ng face mask, walang physical distancing at hindi naghuhugas ng kamay. Ayon pa sa OCTA, kadalasang nagkakaroon ng surge makaraan ang dalawa o tatlong buwan. Posible na mangyari ang surge sa Abril o Mayo.

Hindi mapipigilan ang mga tao na magtipon dahil sa pangangampanya ng mga pulitiko. Imposibleng mapigil ang pagdagsa. Dapat namang magpaalala ang mga pulitiko sa mga tao na sumunod sa health protocol. Manguna sila sa pagpapaalala sapagkat nasa paligid pa ang virus. Posibleng mag-spike ang kaso dahil sa pagdagsa sa kanilang campaign rallies.

2022 ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with