Lalaki sa Congo, nagpakasal sa magkakapatid na triplets!

NAG-VIRAL sa social media websites at naging headline sa mga diyaryo sa Congo ang 32-anyos na si Luwizo matapos niyang pakasalan ang identical triplets na sina Natasha, Natalie at Nadege.

Unang nakilala ni Luwizo si Natalie sa isang dating app. Nang maging magkasintahan na ang dalawa, walang kaalam-alam si Luwizo na sa tuwing nakikipag-date siya kay Natalie, naghahalinhinan pala ang triplets sa pakiki­pagkita sa kanya.

Sa ilang buwan na pakikipag-date ng triplets, na-in love na silang tatlo kay Luwizo. Dahil dito, naisipan ng triplets na sila na ang magpo-propose sa binata. Sa una ay sobrang na-shock si Luwizo na nakikipag-date pala siya sa tatlong magkakaibang babae.

Agad naman niyang tinanggap ang proposal ng tatlo matapos malaman na isa sa ikinakatakot ng triplets ay ang magkahiwa-hiwalay.

Legal ang polygamous union sa Congo kaya malayang napakasalan ni Luwizo ang triplets.

 

Show comments