^

Punto Mo

Ang milagro ng e-sabong 

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

BUTI naman at kumilos sa wakas ang ating mambabatas para kalkalin ang hiwagang nababalot sa pagkawala ng 30 sabungero sa ilang lugar sa Philippines my Philippines.

Sabi nga, crying in the rain ang mga pamilya nito habang kinakapa kung nasaan ang mga mahal nila sa buhay na ­missing up to now!

Matagal na palang nawawala ang ibang mga sabungero na hinahanap ng kanilang mga pamilya. Nabuko lamang ito nang mabingi ang madlang people sa sunod-sunod na pagkawala ng mga mananabong sa iba’t ibang lugar na kanilang pinagsabungan.

Ang mga missing people ay kinabibilangan ng cock handlers, mga ahente at iba pang ­working sa sabungan sa NCR at karatig lugar.

Naku ha!

Ano ba ito?

Nag-ingay si dating Speaker Alan Peter Cayetano dahil tinututulan nito ang pagbibigay ng permiso para sa prangkisa sa e-sabong.

Bakit?

Wala raw kasing malinaw na panuntunan at regulasyon tungkol sa e-sabong dahil pati mga menor de edad ay makakataya rito at maaring malulong sa sugal.

Ika nga, marami raw ang nasirang buhay sa e-sabong. Nalubog sa utang ang ilan at marami pang iba.

Sabi sa mga kuwento, may pulis na nalulong sa sugal ng e-sabong kaya naman nalubog sila sa utang at nakaisip daw na gumawa ng hindi maganda sa kanilang kapwa magkapera lamang at makapagsugal ulit, hehehe!

Sabi nga, ni Cayetano hindi lamang ito religious issue kundi mahalaga rin ang social issue.

Ano sa palagay ninyo?

SABONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with