^

Punto Mo

EDITORYAL - Hindi maayos na ‘Oplan Baklas’

Pang-masa
EDITORYAL - Hindi maayos na ‘Oplan Baklas’

BINABATIKOS ang Commission on Elections (Comelec) dahil sa kanilang “Oplan Baklas’’. Hindi na makatwiran sapagkat may naaabusong karapatan. Kahit na nasa loob na ng private property ang campaign materials ng kandidato, inaalis pa rin ng mga tauhan ng Comelec at mga pulis. Naging sunud-sunuran naman ang mga pulis sa Comelec. Kung ano ang ipabaklas, babaklasin. Nakasaad sa Omnibus Election Code na hindi dapat nakikialam ang mga pulis sa ganitong aktibidad. Ang papel nila ay bilang tagapagpatupad ng peace and order sa panahon ng election at tagabigay proteksiyon sa mga botante.

Ang hindi makatarungang pagbabaklas ng campaign posters sa pribadong lugar ay pinabatid ng supporters ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo. Ayon sa mga supporters ni Robredo, noong Pebrero 16, pinasok ng mga tauhan ng Comelec at mga pulis ang isang private property at pinagbabaklas ang tarpaulin ng bise presidente sa Santiago, Isabela. Katwiran naman ng Comelec, lumabag daw sa size limit ang campaign materials ni Robredo.

Noong Pebrero 18, isang mural ni Robredo na nasa pribadong lugar din sa Echague, Isabela ang binura ng mga tauhan ng Comelec at mga pulis. Nang pinturahan ng may-ari ng pink ang binurang mural, sinira uli ito at sinulatan ng mga salitang “BBM for president’’. Nagreklamo rin ang kampo ni presidential aspirant Isko Moreno na sinira rin ang tarpaulin nito na nasa pribadong lugar sa Isabela rin.

Maraming pumapalag sa “Oplan Baklas”. Dapat itong itigil at rebyuhin ang campaign rules. Maraming bumabatikos sa hindi makatwirang pagbabaklas sa campaign materials na nasa pribadong pag-aari. Sa mga bumabatikos at nagsasabing mali, sinabi naman ni Spokesman James Jimenez na puwede namang dalhin sa korte ang mga reklamo. Lahat ay may karapatan. Ipinasusunod lamang umano ng Comelec ang nakasaad sa batas. Unang-una ang pagsunod sa size limit ng campaign materials ng mga kandidato.

Tiyak may magdadala nito sa Supreme Court. Kukuwestiyunin ang legalidad nito. Dapat korte ang magpasya. Sa kabilang dako, paalalahanan ang mga pulis na kasama sa pagbabaklas na hindi sila dapat sunud-sunuran. Wala silang dapat kampihan.

 

vuukle comment

OPLAN BAKLAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with