BINULABOG ng kontrobersiya ang endorsement ni El Shaddai servant leader Mike Velarde kay presidential aspirant Bongbong Marcos. Ito ay nang ipahayag ni Bishop-Emeritus Teodoro Bacani, spiritual adviser ng El Shaddai, na personal lamang na commitment ni Velarde ‘yun at hindi ng El Shaddai sa kabuuan. Sino kaya sa kanila ang susundin ng mga kawan ng El Shaddai?
Matagal nang nag-iendorso si Velarde. Patunay diyan ay noong 2019 mid-term senatorial election, kung saan, 14 na kandidato ang inendorso niya. Hindi naman kumontra rito si Bacani. Dahil ba hindi niya iboboto si Bongbong? Mag-endorso ka na rin kaya Bishop para malaman kung sino ang mas may “appeal” sa inyong dalawa, he-he-he!
May mga kaparian at madre ang lantarang nagpapakita ng pagkondena sa kandidatura ni Bongbong dahil sa diumano’y kasalanan sa bayan ng ama nito na si Ferdinand Marcos Sr. Puwede palang katuruan ang magtanim ng galit sa kapwa, imbes na ipagdasal ang nagkakasala?
Marami nang kontrobersya at anomalya ang bumalot sa kaparian at pamunuan ng Simbahang Katoliko na inihingi ng kapatawaran ng pope. Karamihan dito, may kinalaman sa imoralidad at pang-aabuso sa mga batang babae at lalaki. Nangyayari yan kahit sa bansa natin, di ba Bro. Digong?
Marami ang naging aktibong Katoliko sa pananambahan dahil sa El Shaddai ni Velarde. Sa palagay nang marami, hindi kayang higitan ni Bacani ang “karinyo” ni Velarde sa mga tagasunod ng El Shaddai. O sige, ilabas na ang ballpen!