Ang taong mahilig magmagaling’
NOON ay may kakilala akong pakialamero na akala mo’y ideya na lang niya ang laging tama. Kapag kami ay nagkikita, lagi niyang sasabihin sa akin: Maglibang-libang naman kayo paminsan-minsan. Mahirap sa tao ‘yung lagi na lang nakasubsob sa trabaho. Tingnan mo kami, tuwing weekend ay nagbabakasyon kaming mag-anak para kahit sandali ay makapaglibang.
Masarap sanang isipin na nagmamalasakit siya sa iyo pero hindi ganoon ang dating sa akin. May tonong nagyayabang siya sa akin na mas magaling siyang mag-manage ng kanyang buhay kaysa nag-aalala siya sa akin. Kaya sa halip na magpasalamat ako sa kanyang concern sa akin, naiirita ako.
Ang hindi batid ng aking kakilala na nagmamagaling ay maligaya kaming mag-asawa sa aming trabaho. Mula pa sa pagkabata ay nasa puso na namin ang pagsusulat. Nasa puso at kaluluwa namin ang paghabi ng mga salita upang makabuo ng isang makabuluhang sulatin.
Ang kakilala kong iyon na naniniwalang magaling siyang magmaneho ng kanyang buhay ay maagang pumanaw dahil sa sakit sa puso. Sa puntong ito, mas mainam pala na maligaya ka sa iyong trabaho para laging masaya ang puso mo kaysa magbakasyon tuwing weekend.
“I think the foremost quality—there’s no success without it—is really loving what you do. If you love it, you do it well, and there’s no success if you don’t do well what you’re working at.” — Malcolm Forbes
- Latest