^

Punto Mo

Asteroid, ipinangalan sa isang Pinoy doctor  

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

KAMAKAILAN, isang asteroid na tinatawag na 1993 FN41 ang ipinangalan sa isang Pilipino doctor na nakabase rito sa Pilipinas bilang parangal sa kanya ng isang pandaigdigang organisasyon ng astronomers. Kinilala ang doctor na si Jose “Jett” Aguilar, isang pediatric neurosurgeon at amateur astronomer.

Sa isang bulletin na ipinalabas ng Small Body Nomenclature Working Groups ng International Astronomical Union (IAU), opisyal na pinangalanang 7431 Jettaguilar ang asteroid na may sukat na 8 km wide at umiikot sa pagitan ng mga planetang Mars at Jupiter.

Kinilala ng IAU si Aguilar bilang “isang Pilipino neurosurgeon na nakapagligtas sa may 1,000 bata sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagboboluntaryo ng kanyang panahon at surgical expertise para magamot ang mga congenital malformations at brain tumors ng mga bata”.

Isinaad din sa bulletin na si Aguilar “ay isa ring amateur astronomer at nagsilbi bilang vice president ng Astronomical League of the Philippines”.

Nabatid na kasalukuyang nagtatrabaho si Aguilar sa Philippine Children’s Medical Center, Philippine General Hospital at Cardinal Santos Medical Center.

Sinasabi pa sa bulletin na si Aguilar ay 20 taon nang nagpapraktis ng panggagamot sa Pilipinas. Noong 2019, pinangunahan niya ang isang team na matagumpay na nagtanggal ng isang parasitic twin sa isang three-week old infant na tinatawag na Baby Ned.

Ang Asteroid 7431 Jettaguilar ay natuklasan noong Marso 19, 1993 mula sa European Southern Observatory na nasa La Silla, Chile. Una itong binigyan ng designasyon na 1993 FN41.

Kapag walang inaasikasong pasyente, nililibang ni Aguilar ang kanyang sarili sa pagiging isang “astrophotographer” at nagpapatakbo sjya ng isang pribadong home-based observatory. Nakapagbahagi siya ng naiibang mga larawan ng mga bagay-bagay at kaganapan sa kalawakan tulad ng Araw, transit ng planetang Venus, at lunar eclipse. Nalathala ang mga litratong ito sa   at .

Ang mga asteroid ay sinasabing mga tira-tirang bato mula sa pormasyon ng solar system may 4.6 bilyong taon na ang nakararaan. Tinataya ng National Aeronautics and Space Administration ng United States na umaabot sa mahigit isang milyon ang bilang ng mga asteroid na ito.

Ayon sa Department of Science and Technology, ang pangalan ng asteroid ay ipinanukala sa IAU bilang pagkilala sa ambag ni Aguilar sa larangan ng medisina at astronomiya ng Pilipinas.Ayon pa sa DOST, ang 7431 Jetaguilar ay umiikot sa Araw sa layong 463 milyong kilometro at inaabot ito ng 5.4 years bago makakumpleto ng isang orbit. Nasa layo itong 643 kilometro mula sa Daigdig.

• • • • • •

Email: rmb2012x2gmail.com

ASTEROID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with