^

Punto Mo

Mandatory military training, muling naungkat!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

ETO ha, malamang muling uminit na naman ang usapin sa isyu ng mandatory military training sa mga 18-anyos na Pinoy.

Ito’y matapos ang pahayag ni Davao City Mayor at vice-presidential candidate Sara Duterte-Carpio na sakaling palaring manalo sa darating na eleksyon ay isusulong niya ang mandatory military service sa mga 18-anyos na Pinoy. Mapa-babae o mapa-lalake dapat sumalang sa training.

Ayon nga sa presidential daughter, nakita ang pagiging epektibo nito sa ibang bansa tulad sa South Korea at sa Israel.

Sa kanyang gagawing panukala, hindi lang basta Reserve Officers Training Corps (ROTC) na isang subject ang dapat ipatupad kundi matinding training.

Ang mga kababaihan at kalalakihang estudyante na magsisilbi sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ay dapat namang bigyan ng subsidy.

Pinaboran rin ito ng Defense Department na nagsabing importante ang pagkakaroon ng reservists sa militar na anumang oras ay pwedeng tawagin upang depensahan ang bansa.

Sa pamamagitan din ng training at disiplina, mas magiging mabuting mamamayan ang mga ito at maitatanim sa kanila ang pagseserbisyo sa bansa.

Yun nga lang sa kabila na may maganda itong layunin, maraming bagay ang dapat na matignan sa pagpapatupad nito.

Siyempre una na dyan ang pondo, manpower at lugar na pwedeng pagdausan ng pagsasanay at iba pa.

Dati na rin naman na merong ganyan. Karamihan nga sa atin ay nasalang na sa ROTC.

Yun nga lang may iba na umabuso sa pagpapatupad nito.

Naging kontrobersiyal pa nga dahil sa ilang insidente may nagaganap na hazing o sakitan sa mga sumasailalim sa training.

Yung iba pa nga pinagkitaan pa ito. Yung may mga perang ayaw sumalang sa hiraop ng training, nagbabayad na lang sa ilang nangangasiwa niyang sa ibat-ibang paaralan.

Ito muna ang dapat marahil na matutukan nang solusyon.

Maraming mga magulang siyempre ang mag-aalala sa kanilang mga anak ukol dito.

Mahabang usapan pa ang pwedeng mangyari dito, na kung anuman ang kahihinatnan ito ay ating susubaybayan.

 

MILITARY TRAINING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with